Muhammad Ali, nailibing na

By Kabie Aenlle June 11, 2016 - 04:35 AM

AFP photo
AFP photo

Naihatid na sa kaniyang huling hantungan na ang world boxing icon na si Muhammad Ali o “The Greatest” sa Cave Hill Cemetery sa Louisville, Kentucky, Biyernes ng umaga, oras doon.

Bago ilibing si Ali, nagkaroon muna ng prusisyon ng kaniyang mga labi sa kaniyang hometown, na dumaan sa mga mahahalagang lugar sa kaniyang buhay lalo na noong kaniyang kabataan.

Tinatayang nasa 15,000 na mga fans, residente, kabigan at mga kaanak ang sumaksi sa nasabing prusisyon bago tumungo sa isang pribadong seremonya para sa kaniyang libing.

Naantala ang mismong prusisyon ni Ali, dahil naantala rin ng isa’t kalahating oras ang kaniyang funeral service.

Ginanap rin ang isang public memorial service na sinimulan sa pamamagitan ng isang recitation mula sa Qur’an.

Si Ali ay hindi lang kilala sa larangan ng sports, kundi pati na rin sa paglaban sa diskriminasyon at pagtaguyod ng civil rights.

Pumanaw siya sa edad na 74, matapos ang mahigit tatlong dekada ng paglaban sa Parkinson’s disease.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.