Karambola ng sasakyan sa Commonwealth Avenue

July 14, 2015 - 08:45 AM

mult col erwin 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Nabalam ang daloy ng trapiko sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City nang mag-karambola ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng dalawang closed van at isang oil tanker.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Constable Wilson Belmonte ang closed van na may kargang mga yelo at may plate number na NWQ 598 ang bumangga sa oil tanker at isa pang van.

Ayon naman sa driver ng van na si Joel Canonoy, nawalan ng preno ang minamaneho niyang van. Sira din aniya ang hand break nito kaya hindi talaga huminto. Wasak ang unahang bahagi ng nasabing van at nagtamo ng kaunting sugat si Canonoy.

mult col erwin 1
Kuha ni Erwin Aguilon

Agad ding naitabi ang mga sasakyan para manumbalik ang maluwag na daloy ng trapiko./Erwin Aguilon

TAGS: multiple collision commonwealth avenue, Radyo Inquirer, multiple collision commonwealth avenue, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.