Cavaliers bumawi, tinambakan ng 30 puntos ang Warriors sa game 3

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2016 - 12:02 PM

Twitter Photo/NBA TV
Twitter Photo/NBA TV

Nagsanib pwersa sina Lebron James at Kyrie Irving para ipanalo ang game 3 ng NBA finals.

Umabot sa 62 points ang pinagsamang puntos nina Lebron at Kyrie dahilan para makuha ng Cleveland Cavaliers panalo sa game 3 matapos ang dalawang sunod na panalo ng Golden State Warriors sa game 1 at 2.

Hindi naging mahirap para sa Cavaliers na ipanalo ang game 3 sa kanilang home court kung saan tinambakan nila ng tatlumpung puntos ang Warriors sa score na 120-90.

Sa simula pa lamang ng laban, malaki na ang inilamang ng Cavs makaraan magtapos ang 1st quarter sa score na 33-16.

Bigo pang makapaglaro para sa Cavs ang star forward nilang si Kevin Love dahil sa pagsailalim nito sa concussion protocol.

Ang game 4 ay magaganap sa Sabado sa home court pa rin ng Cavaliers.

 

 

 

TAGS: Cleveland beats Warriors in Game 3 of NBA finals, Cleveland beats Warriors in Game 3 of NBA finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.