Bilin ng mga anak kay incoming PNP Chief Dela Rosa: “Huwag magnanakaw, huwag papasilaw sa pera”

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2016 - 09:33 AM

Dela RosaMay bilin umano kay incoming Philippine National Police Director, Chief Supt. Ronald Dela Rosa ang kaniyang mga anak.

Ayon kay Dela Rosa, nang ianunsyo ang paghirang sa kaniya ni President-elect Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng pambansang pulisya, pinayuhan siya ng kaniyang mga anak na “huwag magpapasilaw sa pera at huwag magnanakaw”.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Dela Rosa na siya ay mayroong dalawang anak na dalaga at isang binata.

Dahil aniya sa nasabing bilin ng kaniyang mga anak, mas lumakas pa ang kaniyang “conviction” na labanan ang problema sa krimen at droga sa bansa.

“Ang payo sa akin ng mga anak ko, huwag akong magpasilaw sa pera at huwag akong magnakaw. Dalawang dalaga at isang binata ang mga anak ko, nadagdagan pa ang conviction ko na labanan ang krimen, sa droga grabe talaga ang pera dito e, kaya hindi ako dapat papasilaw sa pera sabi ng aking mga anak,” ayon kay Dela Rosa.

Ani Dela Rosa, hinding-hindi niya ipapahiya ang kaniyang mga anak dahil mahal na mahal niya ang mga ito

Dagdag pa ng opisyal, pumasok siya sa serbisyo hindi para yumaman at magkapera kundi para magserbisyo at protektahan ang taumbayan

“Hindi ko ipapahiya ang aking mga anak, dahil mahal na mahal ko ang mga anak ko. Pumasok ako sa serbisyo hindi para yumaman, hindi para magkapera, pumasok ako sa serbisyo para protektahan ang ating mga kababayan,” dagdag pa ni Dela Rosa.

 

 

TAGS: incoming PNP Chief Dela Rosa, incoming PNP Chief Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.