Bangkay ng lalaki natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig

By Erwin Aguilon June 09, 2016 - 08:03 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig sa Makati City ang bangkay ng isang lalaki Huwebes ng umaga.

Ayon kay PO3 Richard Calalay ng Makati Police, una silang nakatanggap ng report na may lalaking nagtatangkang tumalon sa ilog Pasig malapit sa ferry station sa Guadalupe.

Nang magtungo sa lugar ang mga pulis, dinatnan nila ang hindi pa nakikilalang lalaki na palutang-lutang na sa ilog sa Barangay Cembo sa Makati.

Ang lalaki ay nakasuot ng kulay pulang t-shirt at maong na shorts.

Nasa 5’2 hanggang 5’5 ang taas nito at katamtaman lang ang pangangatawan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.