4 patay sa pamamaril sa shopping center sa Tel Aviv, Israel

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2016 - 07:15 AM

tel aviv, israel mapApat ang nasawi at hindi bababa sa siyam ang sugatan matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng isang food and shopping center sa Tel Aviv, Israel.

Ayon sa mga otoridad, dalawang Palestinian gunmen ang bigla na lamang namaril sa Sarona Market na noon ay puno ng mga taong namamasyal at namimili.

Nadakip naman ng mga otoridad ang isa sa mga suspek at ngayon ay isinasailalim na sa imbestigasyon habang ang isa pa ay nasugatan matapos mabaril ng pulis at ginagamot ngayon sa Ichilov Hospital.

Ayon sa pahayag ng mga testigo, nagsimulang mamaril ang mga suspek sa mga dumadaan harapan ng Benedict restaurant at pagkatapos ay nagtungo sa kalapit na Ha’arbaa Street at itinuloy doon ang pamamaril.

Dahil sa nasabing insidente, agad na nagpatawag ng emergency security briefing si Prime Minister Benjamin Netanyahu na kababalik lamang mula sa isang official visit sa Moscow.

 

 

TAGS: 4 killed in a shooting incident in Tel Aviv shopping center, 4 killed in a shooting incident in Tel Aviv shopping center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.