Game 3 ng NBA finals ituturing na do-or-die game ng Cleveland Cavaliers

By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2016 - 07:21 AM

Twitter Photo/NBA TV
Twitter Photo/NBA TV

Matapos makalamang ng 2-0 sa serye ang Golden State Warriors, sinabi ni Lebron James na ang game 3 bukas ng NBA finals ay maituturing na isang do-or-die game para sa kanilang koponan na Cleveland Cavaliers.

Sinabi ni James na crucial para sa Cavs ang game 3 na magaganap bukas at kailangan nila itong maipanalo.

Ayon kay James, hindi nila pwedeng payagan na mauwi sa 3-0 ang statistics kaya ibibigay nila ang lahat bukas.

Sa home court ng Cavaliers gaganapin ang game three at itong season na ito, nakapagtala ang koponan ng 7-0 standing sa mga laban na ginanap sa kanilang home court.

Umaasa naman ang koponan na makakapaglaro bukas si star forward Kevin Love.

Bigo si Love na makalahok sa practice ng Cavs kahapon dahil kinailangan nitong magpasuri matapos matamaan ang likuran ng kaniyang ulo nang makabangga niya si Harrison Barnes ng Warriors noong game 2.

Dahil sa ulo tinamaan si Love, sasailalim ito sa ilang pagsusuri bilang bahagi ng protocol ng NBA kabilang dito ang physical exertion test, agility work at noncontact team drills bago makabalik sa paglalaro.

 

 

TAGS: Game 3 of NBA finals a do-or-die for Cavaliers says Lebron James, Game 3 of NBA finals a do-or-die for Cavaliers says Lebron James

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.