De-kalidad na mga pulis kailangan sa PNP ayon kay Dela Rosa

By Ruel Perez June 06, 2016 - 07:45 PM

Ronald Dela Rosa2
Inquirer file photo

Quality at hindi quantity.

Ito ang magiging batayan ni incoming Chief PNP C/Supt. Ronald dela Rosa sa pagrecruit ng bagong mga pulis sa kanyang pag-upo sa susunod na buwan.

Ayon kay dela Rosa, hindi umano pwedeng daanin sa dami ng puwersa upang makamit ang tagumpay sa kanilang anti-criminality campaign.

Kahit aniya umabot sa 1 milyong ang kanilang bilang pero karamihan naman ay kasama sa sindikato, scalawag at hindi serbisyo ang nasa puso ay mababalewala lang ang kanilang pagsisikap para maabot ang 3 to 6 months na target  kontra illegal na droga at krimen.

Di na bale na kakaunti sa bilang ang kanilang hanay basta masiguro lang na ang kanyang makakasama ay talagang nagtatrabaho malinis at hindi sangkot sa sindikato.

Nauna nang inanunsyo ni outgoing Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Sarmiento na may bagong 10,000 recruits ang PNP.

TAGS: dela rosa, DILG, duterte, PNP, dela rosa, DILG, duterte, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.