Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers, muling maghaharap sa game 2 ng NBA finals

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2016 - 06:37 AM

Twitter Photo/NBA TV
Twitter Photo/NBA TV

Inaabangan na ang pagsisimula ng game 2 ng NBA finals ngayong umaga oras sa Pilipinas.

Matapos ang game 1 kung saan nagwagi ang Golden State Warriors kontra Cleveland Cavaliers, sa score na 104-89, inaabangan kung magagawa ng Cavaliers na makatabla sa serye.

Sa Oracle Arena sa Oakland California magaganap ang game 2 na home court ng Warriors.

Ilang oras naman bago ang pagsisimula ng game 2, binigyang pagpupugay ng anchors ng NBA at ng mga sport analyst ang yumaong si Muhammad Ali.

Ang mga anchors ay nakasuot ng itim na T-shirt ng lumabas sa telebisyon ngayong umaga, na mayroong nakasulat sa likod ng tanyag na pahayag ni Ali na “Be among those who dare to dare”.

 

TAGS: game 2 of NBA finals, game 2 of NBA finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.