Lacierda-Escudero word war, umiinit

July 13, 2015 - 09:11 PM

lacierda escuderoBinweltahan ni Senador Francis Escudero si Secretary Edwin Lacierda matapos sabihin ng huli na madaldal ang senador nang isapubliko ang pakikipagpulong nito kay Pangulong Benigno Aquino III para sa 2016 Presidential elections.

Ayon kay Escudero, si Lacierda ang dapat na humingi muna ng pahintulot sa Pangulo bago ibuka ang bibig nito.

Paglilinaw pa ni Escudero, bago siya nagsalita sa media, humingi muna siya ng permiso sa Pangulo kung ano ang sasabihin kapag natanong siya sa naturang isyu.

Tugon aniya ng Pangulo, ang katotohanan dahil ito rin naman ang kanyang sasabihin sa publiko.

Una rito, nakipagpulong ang Pangulong Aquino kay Escudero at senador Grace Poe para talakayin ang 2016 elections.

Hiniling umano ni Pangulong Aquino kay senador Grace Poe na sumama kay Interior Secretary Mar Roxas sa pag iikot sa bansa. Pumayag naman umano si Poe basta’t kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Escudero./ Chona Yu

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.