Isang pulis patay, dalawang iba pa sugatan sa pananambang sa Baleno, Masbate

By Mariel Cruz June 05, 2016 - 03:31 PM

 

Cataingan MasbatePatay ang isang pulis habang dalawa ang sugatan sa naganap na ambush kaninang umaga sa Baleno, Masbate.

Kinilala ang napaslang na si Police Officer 2 Jack Brondial ng Baleno Municipal Police Station.

Ayon sa pulisya, pabalik na sa kanilang istasyon ang tatlong pulis matapos mag-imbestiga sa isang crime scene sa Barangay Gangao, kung saan natagpuan ang katawan ng isang lalaki, nang maganap ang pananambang.

Nabatid na tinamaan ng bombang sumabog ang sasakyan ng mga biktima nang makarating sila sa Sitio Tangad.

Sinundan naman ng pagpapaputok ng baril mula sa mga armadong lalaki ang pagsabog ng bomba.

Namatay si Brondial matapos magtamo ng sugat sa ulo dahil sa nasabing pagsabog.

Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa insidente at kung miyembro ng communist movement ang nasabing mga armadong kalalakihan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.