Muhammad Ali isinugod sa ICU

By Den Macaranas June 04, 2016 - 08:55 AM

Muhammad Ali
NBC pohoto

Nasa maselang na kundisyon ngayon sa Intensive Care Unit (ICU) ng isang opistal sa Phoenix Arizona ang dating 3-time Boxing world champion na si Muhammad Ali.

Sa inilabas na advisory ng kanyang spokesman na si Bob Gunnel, kanyang sinabi na noong isang linggo pa ay hirap  sa paghinga ang dating kampeon dahil sa pneumonia.

Taong 1994 nang unang ma-diagnosed si Ali ng pagkakaroon ng Parkinso’s disease at mula noon ay naging mahina na ang kanyang pangangatawan.

Noong nakalipas na buwan ng Disyembre 2004 hanggang Enero 2015 ay nanatili siya sa ospital dahil sa severe urinary tract infection at pneumonia.

Kahapon, araw ng Biyernes ay nagtipon-tipon na sa ospital ang mga kaanak ni Ali ayon sa inilabas na pahayag ni Gunnel.

Magugunitang kamakailan ay muling naging aktibo sa media si Ali makaraan niyang batikusin si Presidential nominee Donald Trump makaraan niyang sabihin na ipagbabawal niya ang pag-pasok ng mga Muslim sa U.S kapag siya ang nanalo sa eleksyon.

TAGS: muhammad ali, parkinson's, pneumonia, muhammad ali, parkinson's, pneumonia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.