Thanksgiving party ni Duterte, magiging star-studded

By Kathleen Betina Aenlle June 04, 2016 - 04:44 AM

Du31.ph
Du31.ph

Inaasahang magiging star-studded ang thanksgiving party para kay President-elect Rodrigo Duterte mamayang hapon sa Davao City.

Magsasama-sama ang mga celebrities na sumuporta kay Duterte sa “DU31: One Love, One Nation” thanksgiving party.

Kabilang sa mga tanyag na artistang pupunta ay sina Vice Ganda, Aaron Villaflor, Jimmy Bondoc, KZ Tandingan, Carlos Agassi, Gladys Guevarra, Bradley Holmes, Andrew E, Paolo Santos, Thor Dulay, Anton Diva, Imy Violan, Bernardo Bernardo, Isabel Granada, Beverly Salviejo, at iba pang mga celebrities.

Bukod sa mga sikat na celebrities, magtatanghal rin ang magagaling na talents tulad ng mga banda at DJs mula sa Davao at iba pang bahagi ng Mindanao at Visayas.

Ang mga magiging hosts naman ay sina Kat de Castro, Arnel Ignacio at Bayani Agbayani.

Bukod naman sa speech kung saan siya magpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya, sinabi rin ni Duterte na posible siyang mapakanta, pero natitiyak naman siyang hinding hindi siya sasayaw.

Magsisimula ang nasabing party ala una ng hapon, hanggang ala una ng madaling araw.

Free admission ito kaya inaanyayahan ng mga organizers ang lahat na dumalo sa party sa Crocodile Park Concert Grounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.