Lt. Col. Marcelino, laya na matapos makapagpiyansa

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2016 - 08:33 PM

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Pansamantalang nakalaya si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, matapos makapaglagak ng piyansa.

Biyernes ng hapon nang ilabas ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang release order ni Marcelino na inaresto noong Enero matapos maaktuhan sa loob ng isang bahay Maynila na nakitaan ng P380 milyong halaga ng illegal drugs.

Si QCRTC Branch 82 Judge Lyn Ebora Cacha ang nagpalabas ng release order kay Marcelino matapos itong na makapaglagak ng surety bond.

Magugunitang inaprubahan ng korte ang motion for bail ni Marcelino.

Ayon sa korte, noong panahon na nakita si Marcelino sa loob ng sinalakay na bahay ay nakita ito sa ground floor at walang anumang illegal drugs na nakumpiska noon sa kaniyang pag-iingat.

Dagdag pa ng korte, wala namang pruweba pang malinaw sa ngayon na si Marcelino ay may kinalaman o kontrol sa mga illegal drugs na natagpuan sa bahay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.