Bahagi ng CDO at Bukidnon, siyam na oras na mawawalan ng kuryente bukas

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2016 - 10:29 AM

brownout-0319May nakatakdang power interruption na maka-aapekto sa bahagi ng Cagayan de Oro City at bahagi ng lalawigan ng Bukidnon.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang interruption ay magaganap alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Apektado ng power interruption ang mga lugar na sineserbisyuhan ng MORESCO-1.

Ayon sa NGCP, magsasagawa sila ng taunang preventive maintenance sa 10MVA Power Transformer sa CDO/Carmen Substation na magreresulta sap ag-shutdown sa CDO-Talakag 34.5KV line.

Samantala, sa Nueva Ecija naman, may magaganap na sampung oras na power interruption sa June 5, araw ng linggo.

Apektado ng interruption ang mga lugar sa lalawigan na sineserbisyuhan ng NEECO II-Area 2.

Sinabi ng NGCP na magsasagawa sila ng maintenance sa transformer sa Cabanatuan substation na sasabayan pa ng maintenance works sa Cabanatuan-San isidro line 1 transmission line.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.