Mga kaso ni dating CJ Corona ibinasura na ng anti-graft court

By Isa Avendaño-Umali June 01, 2016 - 04:05 PM

renato Corona
Inquirer file photo

Ibinasura na ng Sandiganbayan 3rd Division ang mga kaso ng pumanaw na si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Hindi inabot ng limang minuto ang hearing ng korte sa motion to dismiss sa mga asunto ni Corona na kinabibilangan ng perjury at paglabag sa code of conduct and ethical standards for govertment officials and employees.

Hindi na kumontra pa ang prosekusyon dito kaya naging napakabilis ng proseso.

Ang motion to dismiss ay inihain ng mga abogado ni Corona nitong nakalipas na Biyernes lamang.

Katwiran sa mosyon, sa pagkamatay ni Corona ay nalusaw na rin ang mga pananagutan nito.

Ang mga kaso ni Corona sa Sandiganbayan ay kaugnay ng hindi umano naideklarang ari-arian nito sa kanyang mga isinumiteng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) noong Mahistrado pa siya ng Supreme Court hanggang sa naging Chief Justice.

Ang isyung ito rin ang naging basehan ng pagkaka-impeach ng dating Punong Mahistrado.

TAGS: Chief justice, corona, impeachment, sandiganbayan, Chief justice, corona, impeachment, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.