2 na patay sa landslide sa Kennon Road

July 13, 2015 - 07:30 PM

 

kennon(updated) Dalawa na ang patay samantalang lima ang nasaktan sa landslide na tumabon sa dalawang sasakyan sa Baguio City Lunes ng umaga.

Binawian na rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 61 taong gulang na si Teresita de Guzman matapos maipit sa loob ng kanillang sinasakyan.

Una rito, idineklarang dead on arrival ang unang biktima na si Marjorie Magsino, 33 taong gulang.

Sugatan naman ang mga biktimang sina Phing De Guzman, 40, ng Malasiqui, Pangasinan; Ernesto Luis, 48, ng La Trinidad, Benguet; Jun Eric Sumyo, 23, at Eugenio Henry, 45, kapwa ng Urdaneta City; at Mary Jane Lovino, 32, ng Itogon.

Alas 8:30 ng umaga, gumuho ang lupa sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Kennon Road sa Wabac, Camp 7.

Dahil dito, natabunan ng landslide at mga puno ang isang puting Toyota 4D van (AAK-9898) na kinalululanan ng mga biktima.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, sinabi nitong ang landslide ay dulot ng patuloy na malakas na pag-ulan sa Baguio at iba pang bahagi ng Mountain Province. – Jay Dones/Jimmy Tamayo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.