Mcdo, nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng PNP

July 13, 2015 - 07:22 PM

mcdo
Kuha ni Ruel Perez

Nakipagpulong ngayong umaga sa Las Pinas Police ang representante ng isang fast food chain na umano’y isinasangkot sa pagkalason ng mag asawa taga Imus, Cavite.

Ayon kay P/Insp. Eleazar Camiling, Chief Investigator ng Las Pinas PNP, nangangako umano ng full cooperation ang pamunuan ng Mcdonald’s para sa ikalulutas ng kaso.

Nais din umano na matukoy kaagad ang dahilan ng ikinamatay ng mag asawang Juliet at Jose Maria Escano dahil na rin sa nakakaapekto na umano ito sa kanilang negosyo.

Sa katunayan nagsumite na rin umano ng kopya ng CCTV na kuha sa Mcdonald’s Shell Macapagal sa Pasay ang pamunuan ng fastfood chain para makatulong sa imbestigasyon.

Samantala, inaantay pa ng Las Pinas police ang resulta ng toxicology report ng pulisya para matukoy kung ano ang nainom o nakain ng mag asawa na sya nitong ikinamatay.

Natagpuan sa kanilang sasakyang itim na Toyota Innova ang mag-asawang Escano noong Huwebes ng gabi sa may parking lot ng Evian Mall sa Daang Hari, Las Pinas City.

Sa inisyal na imbestigasyon July 9, pasado alas 9:00 PM, nag drive-thru sa Mcdonald’s sa Macapagal Pasay ng ‘sausage mcmuffin’ at orange juice ang mag asawa.

Ngunit dumaan din ang mag-asawa ala una, sungkuwenta’y singko ng hapon sa 7-11 sa Alabang Muntinlupa ang mag asawa at bumili ng ‘Slurpee’.

2:40 PM, pumarada sa Evian Mall sa Daang Hari Las Pinas ang mag asawa sakay ng itim na Toyota Innova na may plakang TLQ-346.

Alas 7:35 PM nang gabi natagpuan ng mga guwardya ng mall si Ginang Escano sa nasa loob ng sasakyan sa may passenger seat na wala nang malay at asawa na si Mang Jose sa labas ng sasakyan sa likod na bagama’t mahina na ay buhay pa nang matagpuan.

DOA o dead on arrival sa Metro South Medical Center sa Bacoor, Cavite si Ginang Escano samantalang namatay kinabukasan, July 10 si Mang Jose sa Las Pinas Medical Center.

Nakaburol ngayon ang mga labi ng biktima sa Don Bosco Chapel sa Makati pero tumanggi na magsalita ang mga kaanak ng biktima. / Ruel Perez

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.