“Fake Rice”, amoy sapal, hindi napapanis

July 13, 2015 - 03:29 PM

SENATE 2
Kuha Ni Chona Yu

Nagsimula na ang pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food kaugnay sa umano’y pagkalat ng pekeng bigas.

Ipinatawag ni Senador Cynthia Villar, chairman ng komite ang dalawang residente ng Davao na umanoy nakabili ng pekeng bigas.

Ayon kay Carmencita Grinyo, napansin niya na matigas ang kanyang kanin at mistulang styropor.

Sinabi naman ng isa pang residente na si Erlinda Palye na amoy sapal ang nabiling bigas at napansin niyang hindi napanis.

Sinabi naman ni Secretary Kiko Pangilinan, Presidential Adviser on Food Security na sa animnapung complaints ng pekeng bigas, lahat ng ito ay negatibo at tanging sa Davao lamang ang may napatunayang insidente ng kontaminasyon.

Ayon kay Pangilinan, maaring isolated case lamang ito.

Gayunman, hindi aniya ito dahilan para mag relaks na ang kanilang hanay para hindi suriin ang mga warehouse ng bigas.

Sinabi naman ni Villar na hindi mapoprotektahan ng pamahalaan ang publiko kung hindi matutuloy kung saan galing ang pekeng bigas./Chona Yu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.