Information Campaign sa food poisoning

July 13, 2015 - 02:39 PM

Durian 2Lima na lang na estudyante na kabilang sa mga diumano’y nalason sa kinain nilang durian at mangosteen candies sa Surigao del Sur noong Biyernes ang nananatili pa sa ospital sa ngayon.

Ito ang sinasabi sa Radyo Inquirer ni Abel de Guzman, ang Director ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Hindi naman sinuspindi ang mga klase sa mga paaralan kung saan nag-aaral ang mga biktimang estudyante.

Aniya, nakapagsagawa na rin sila ng information campaign sa buong lalawigan para iwasan ang pagbili ng mga candies na may tatak na Wendy’s na galing sa Davao City.

Ang candy na may flavor na durian at mangosteen at may tatak na Wendy’s ang pinaniniwalaang sanhi ng food poisoning.

Idinagdag pa nito, hinihikayat din nila ang mga estudyante na iwasan ang pagbili ng anumang pagkain sa mga ambulant vendors sa labas ng kanilang paaralan.

Noong Biyernes ng umaga daan-daan ng estudyante mula sa Tandag City at sa mga bayan ng Cagwait at Tago ang nagsusuka, nahilo at dumaing ng matinding pananakit ng tiyan matapos kainin ang biniling mga kendi.

Noong araw ding iyon, walong tindero ang inaresto ng mga lokal na pulisya.

Sa sobrang dami ng mga biktima, agad napuno ang Adel Ty Hospital kaya’t minabuti na gawin na ring treatment center ang social hall ng Capitol building ng pamahalaang-panglalawigan sa Tandag City./ Jan Escosio

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.