1 patay sa landslide sa Kennon Road

July 13, 2015 - 11:35 AM

kennon(updated) Isa ang patay at apat ang kumpirmadong nasugatan sa landslide sa Wabac, Kennon Road, Camp 7 sa Baguio City.

Natabunan sa landslide ang dalawang sasakyan na kinabibilangan ng isang Toyota 4D van na may plate no. AAK-09898 at isang PUJ na may plate no. AYK-824 na biyaheng Camp 6.

Apat katao ang naunang nakuha mula sa natabunang sasakyan na kinabibilangan ng 2 lalaki at 2 babae na itinakbo na sa Baguio City General Hospital.

Wala pang pagkakakilanlan sa nasawi at mga nasugatan sa insidente habang nagpapatuloy ang Rescue and Clearing operations sa lugar.

Dahil sa pagguho ng lupa at bato ay hindi madaanan ngayon ang kahabaan ng Kennon Road. Pinapayuhang dumaan muna ang mga mororista sa Marcos Highway.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, sinabi nitong ang landslide ay dulot ng patuloy na malakas na pag-ulan sa Baguio at iba pang bahagi ng Mountain Province./Jimmy Tamayo

TAGS: baguio city, kennon road landslide, radyo inqurer, baguio city, kennon road landslide, radyo inqurer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.