2 hinihinalang miyembro ng drug syndicate, patay sa engkwentro sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio May 26, 2016 - 06:45 AM

Patay matapos na manlaban sa mga otoridad ang dalawang hinihinalang miyembro ng drug syndicate sa Quezon City.

Nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs ng Quezon City Police District pero nakatunog ang dalawang suspek na nakilala lamang sa alyas na Toto at Bombay, kaya nauwi sa habulan at palitan ng putok ang operasyon.

Ayon kay Sr. Supt. Joselito Esquivel, naganap ang insidente sa bahagi ng Quirino Highway sa Barangay Greater Lagro kung saan nasawi ang dalawang suspek na miyembro umano ng “Joselito Gonzales Drug Group”.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre 38 na baril, 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000 at ang taxi na kanilang kinarnap kaninang madaling araw.

Sinabi ni Esquivel na nagpapanggap din na pulis ang dalawa dahil may nakita rin silang mga uniporme ng pulis na nakasupot sa loob ng taxi.

Dumating din sa pinangyarihan ng engwekntro ang may-ari ng taxi na si Edgardo Ignacio. Ayon kay Ignacio, hinoldap siya ng mga suspek ala una ng madaling araw kanina at saka tinangay ang minamaneho niyang taxi.

 

TAGS: drug suspects killed in QC encounter, drug suspects killed in QC encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.