Kampo ng Abu Sayyaf bumagsak AFP

By Ruel Perez May 25, 2016 - 05:14 PM

abu-sayyaf
Inquirer file photo

Nakubkob ng militar ang isang kampo ng mataas na lider ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Gulangan, Maimbung Sulu

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Westmincom) Spokesman Maj. Felimon Tan, matagumpay na napasok ng tropa na pinangunahan ng 14th Special Ranger Company ang kampo ni Idang Susukan matapos ang ilang minutong bakbakan.

Ani Tan, may kakayahan na mag-accommodate ng 200 katao ang nabanggit na kampo, may pagkukunan ng tubig, kung saan may narecover din ibat ibang bahagi ng mga baril, mga personal na gamit ng bandido at isang motorsiklo.

Wala naman umanong nasugatan o nasaktan sa tropa ng militar bagaman di nila matiyak kung may nasugatan sa tropa ng ASG.

Nauna nang inilunsad ng militar ang kanilang mas malawak na operasyon laban sa bandidong grupo dahil sa inilabas nilang June 13 deadline para sa pagpatay sa ilan pa sa kanilang mga hawak na hostages.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Basilan, Sulu, tan, wetmincom, Abu Sayyaf, AFP, Basilan, Sulu, tan, wetmincom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.