Blumentritt flood control project matatapos na sa susunod na buwan

By Den Macaranas May 25, 2016 - 05:01 PM

Blumentritt flood
Inquirer file photo

Sa buwan ng Hunyo ay matatapos na ang dalawang taong pagsasagawa sa Blumentritt flood interceptor project sa lungsod ng Maynila ayon sa Department of Public Works and Highways.

Aminado si DPWH-NCR Dir. Melvin Navarro na tumagal ng mahigit sa dalawang taon ang proyekto dahil sa problema sa right-of-way.

Layunin ng nasabing 3.2-kilometer project na maibsan ang baha sa nasabing lugar sa Maynila at bahagi ng Quezon City.

Sinabi ng DPWH na ang nasabing proyekto ay pinondohan ng World Bank at marami pa silang mga flood-control projects na ilalatag sa mga susunod na buwan.

Sa ngayon ay abala na ang DPWH-NCR sa kanilang paglilinis ng mga daanan ng tubig katuwanang ang mga flood control personnel ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Umapela rin ang nasabing public work official sa publiko na makiisa sa paglilinis ng mga kanal para maiwasan ang mataas na tubig baha ngayong idineklara na ng Pagasa ang pagsisimula ng rainy season.

TAGS: blumentritt, DPWH, manila, quezon city, blumentritt, DPWH, manila, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.