Pananagutan ng event security sinisilip ng PNP sa pagkamatay ng 5 katao sa Pasay concert

By Ruel Perez May 25, 2016 - 03:13 PM

wilben-mayor
Inquirer file photo

Dapat umanong matukoy ang detalye ng naging trabaho ng event security sa idinaos na Forever Summer Concert ng Close-up nitong nagdaang weekend sa SM Mall of Asia (MOA).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, kailangang madetermina ang lawak o limitasyon ng security sa loob ng concert venue.

Dapat din umanong malaman ang papel ng mga event organizers na makapagsasabi kung ano ang  mga naging regulasyon sa loob ng concert grounds sa harap na rin ng mga ulat na naipuslit at naging talamak ang bentahan ng droga sa mismong venue.

Lumabas din sa ulat na kinukuwestiyon ngayon ng lokal na pamahalaan ng Pasay City ang kawalan ng permit ng event organizers para makapag-benta ng nakakalasing na mga inumin sa loob ng venue ng party.

Nauna nang napaulat na naging maluwag ang seguridad sa lugar pati na rin ang lantarang bentahan ng alak mula sa mga concessionaires sa kinaganapan ng kasiyahan na nagresulta sa pagkamatay ng limang katao na sinasabing ang dahilan ay posibleng drug overdose.

TAGS: close-up, Mayor, Pasay, PNP, close-up, Mayor, Pasay, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.