Archbishop Cruz kay Duterte: “Pangalanan mo”

By Den Macaranas May 25, 2016 - 03:03 PM

oscar-cruz-e1386753895239
Inquirer file photo

Hinamon ni dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz si incoming President Rodrigo Duterte na pangalanan ang mga lider ng simbahang katolika na may mga anak at sabit sa kalokohan.

Sa isang panayam, sinabi ni Cruz na dapat maging malinaw ang mga naunang akusasyon ni Duterte laban sa ilang mga Pari na umano’y sangkot pati sa katiwalian.

Mas maganda ayon kay Cruz na magka-alaman na kung sino ang mga tinutukoy ni Duterte para hindi madamay ang lahat sa kanilang mga hanay.

Nauna dito ay ipinatanggol din ng Archbishop-emeritus ng simbahang katolika ang pagtanggap ng ilang mga Pari ng mga Sports Utilities Vehicles bilang donasyon dahil nagagamit din daw ang mga ito sa ilang charitable works ng simbahan.

Sa mga nakalipas na araw ay naging mainit ang palitan ng mga pahayag sa pagitan ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ni Duterte kaugnay sa iba’t ibang mga isyu.

TAGS: CBCP, cruz, duterte, suv, CBCP, cruz, duterte, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.