Oklahoma City Thunder, isang panalo na lang ang kailangan para makapasok sa NBA championship

By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2016 - 12:24 PM

Twitter Photo / NBA TV
Twitter Photo / NBA TV

Muling nagwagi ang Oklahoma City Thunder kontra Golden State Warriors sa game 4 ng NBA western conference finals.

Dahil dito, nakuha na ng Thunder ang 3-1 lead sa serye at isang panalo na lamang ang kakailanganin nila para maka-abante sa championship.

Sa iskor na 118-94, naipanalo ng Thunder ang 4th game at marami ang nagulat, dahil sa kabiguan ng Warriors na makabawi.

Ito ang unang pagkakataon ngayong taong ito na nakaranas ng back-to-back na talo ang Warriors.

Gaya noong Game 3, si Russell Westbrook ang nagdala sa koponan sa ikatlong panalo matapos na makapagtala ng 36 points.

Nag-ambag naman ng 26 points si Kevin Durant.

Sa panig ng Warriors, si Klay Thompson ay nakapagtala ng 26 points habang si Steph Curry ay mayroon lamang 19 points.

Sakaling magwagi muli ang Thunder sa game 5, makakalaban nila sa NBA championship ang mananalo sa pagitan ng Toronto Raptors at Cleveland Cavaliers.

 

 

TAGS: Thunder beats Warriors, Thunder beats Warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.