Aktibong pulis at isa pang suspek, arestado sa pagsalakay sa bahay ng drug dealer sa Maynila

By Erwin Aguilon May 25, 2016 - 12:14 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isang aktibong pulis at isa pang suspek ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay sa Palawan kanto ng Visayan St., Sampaloc, Maynila.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nakilala ang naarestong suspek na si PO2 Johny Aliangan, na nakatalaga sa Regional Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region Police Office.

Nasabat ng mga otoridad ang limang matataas na uri ng kalibre ng baril at hindi pa matiyak na halaga ng droga.

Nakasamsam din ang mga tauhan ng NBI ng mga two-way radio na ginagamit ng suspek sa kanyang iligal na operasyon.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Iimbestigahan din ng NBI ang asawa ng suspek dahil sa matagal itong nagkulong sa CR ng bahay dahil umano sa LBM, pero hinala ng mga otoridad nag-flash ito ng droga.

Sinalakay ng mga otoridad ang nasabing bahay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Dinala na sa tanggapan ng NBi ang mga naarestong suspek.

Nadatnan din sa bahay ng suspek ang isang SUV na ayon sa mga otoridad ay ginamitan ng pekeng plaka.

 

TAGS: Drug Raid in Manila, Drug Raid in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.