4 na magkakapatid, patay sa sunog sa Tacloban City

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2016 - 10:54 AM

CONTRIBUTED PHOTO BY MEL CASPE
CONTRIBUTED PHOTO BY MEL CASPE

Nasawi ang apat na magkakapatid matapos na masunog ang tinitirahan nilang bahay habang sila ay mahimbing na natutulog kaninang madaling araw sa Tacloban City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Tacloban City Fire Department head, C/Insp Charlie Gerzon, naganap ang sunog sa Barangay 78 Marasbaras sa lungsod ng Tacloban.

Nagsimula ang sunog alas 4:58 ng umaga na umabot lamang sa unang alarma at agad ding naideklarang fire out alas 5:20 ng umaga.

Bagaman saglit lamang ang sunog, hindi nakaligtas ang magkakapatid na Morales na nakilalang sina Dan Jade, 16 anyos; Glenn Mark, 14 anyos; Glenn Marie, 11 anyos at Gwyneth, 9 anyos na pawang na-trap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

CONTRIBUTED PHOTO BY MEL CASPE
CONTRIBUTED PHOTO BY MEL CASPE

Sa imbestigasyon ng Tacloban City Bureau of Fire, maagang umalis ang magulang ng mga bata na sina Glen at Maribel Morales para mamalengke.

Ayon kay Gerzon, posibleng naiwan ng mag-asawa ang sinaing dahil naabutan pa nila ang malaking rice cooker na nakasaksak at iyon aniya ang maaring pinagmulan ng apoy.

Gawa sa light materials ang tahanan ng pamilya Morales kaya mabilis na kumalat ang apoy sa bahay.

 

 

 

 

TAGS: 4 siblings killed in a residential fire in Tacloban, 4 siblings killed in a residential fire in Tacloban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.