Cagayan, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Zambales at Quezon, nakaranas ng mahinang pagyanig

By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2016 - 10:33 AM

PhivolcsMagkakasunod na nakapagtala ng mahinang lindol sa mga lalawigan ng Cagayan, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Zambales, at Quezon mula madaling araw ng Miyerkules.

Unang naitala ang magnitude 2.3 na lindol sa Calayan, Cagayan alas 12:13 ng madaling araw.

Sinundan ito ng magnitude 3 na lindol sa Paluan, Occidental Mindoro alas 12:18 ng madaling araw.

Habang magnitude 3.6 na lindol naman ang naitala ng Phivolcs sa Curimao, Ilocos Norte, ala 1:26 ng umaga.

Samantala, alas 4:18 ng umaga ay naitala ang magnitude 2.4 na lindol sa Palauig, Zambales.

Habang magnitude 2.6 naman ang tumama sa Jomalig, Quezon alas 6:43 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs pawang tectonic ang origin ng lindol at hindi inaasahang magdudulot ng pinsala.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.