Pagsasampa ng kaso laban sa organizer ng event na ikinamatay ng 5 indibduwal, hindi na saklaw ng PNP

By Ruel Perez May 24, 2016 - 05:59 PM

close upWala na sa hurisdiksiyon ng Philippine National Police ang pagsasampa ng asunto laban sa mga concert organizer na ginawa nitong nagdaang Sabado sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, nasa pamilya ng mga biktima ang desisyon kung paparatingin sa husgado ang kinahinatnan ng kanilang mga kaanak.

Paliwanag ni Mayor, ang pamilya ng limang indibiduwal ang namatayan at sila ang itinuturing na aggrieved party.

Dahil dito, ani Mayor, napakahalaga na malaman ang resulta ng pagsusuri ng mga toxicologists dahil mula dito ay madedetermina ang posibleng kasong pwedeng isampa sa mga kinauukulan.

Pinasukan na rin ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon sa kung ano ang naging cause of death ng limang concert goer sa event na inorganisa ng isang toothpaste company. / Ruel Perez

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.