Bentahan ng school supplies sa Maynila, ininspeksyon ng DTI at FDA

By Erwin Aguilon May 24, 2016 - 11:08 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsagawa ng inspeksyon sa mga tindahan ng school supplies sa Maynila ang Department of Trade and Industry (DTI), Food and Drug Administration (FDA) at si Senator Bam Aquino na chairman ng senate committee on trade and commerce.

Ayon kay DTI sec. Adrian Cristobal wala naman silang nakitang mas mataas sa SRP ang presyo bagkus ay mas mababa pa nga ito.

Tiningnan din ng mga tauhan ng FDA ang lead content at chemicals na sangkap ng mga school supplies at wala namang nakitang mas mataas kaysa sa itinatadhana.

Hinimok naman ni DTI Usec. Vic Dimagiba ang publiko na bisitahin ang website ng ahensya para makita ang SRP ng mga school supplies.

Ang mga “gabay sa pamimili ng school supplies” ng DTI ay ipinaskil din sa mga tindahan ng gamit sa eskwela.

Naglagay din ang mga ito ng poster kung saan nakasaad ang SRP.

Partikular na ininspeksyon ang National Bookstore sa Recto at ang Morayta Bookstore sa Morayta, Maynila./ Erwin Aguilon

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.