Sta. Maria, Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas May 24, 2016 - 09:01 AM

Photo from Phivolcs

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Ilocos Sur ngayong umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers north sa bayan ng Sta. Maria alas 7:57 ng umaga.

May lalim na 50 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Ang nasabing pagyanig ay naramdaman sa ilang mga bayan sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan at Dagupan.

Ayon sa Phivolcs, batay sa reported intensities na kanilang natanggap, naitala ang intensity 4 sa mga bayan ng Santa Maria, Narvacan, Burgos at Vigan City sa Ilocos Sur.

Naitala naman ang intensity 3 sa Sinait, Ilocos Sur, at sa bayan ng Sarrat at Laoag City sa Ilocos Norte.

Gamit naman ang instrumental intensities naitala din ang intensity 3 sa bayan ng Peñablanca sa Cagayan, Pasuquin, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur.

Intensity 2 sa Claveria, Cagayan at intensity 1 sa Dagupan City./ Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.