Dahil sa big-time oil price hike, presyo ng gasolina, mahigit P41 na; diesel mahigit P28 na

By Erwin Aguilon May 24, 2016 - 08:54 AM

OIL PRICE Muli na namang nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang iba’t-ibang kumpanya ng langis sa bansa.

Sa monitoring ng Radyo Inquirer sa lungsod ng Maynila ang presyo ng Shell at Chevron sa bahagi ng Pedro Gil, Sta. Ana, Maynila ay P28.10 ang kada litro ng diesel, at P41.40 ang kada litro ng gasolina.

Mas mahal naman ang presyo ng Petron sa nasabi ring lugar na P28.35 ang presyo ng kada litro ng diesel at pero pareho lamang ang presyo ng gasolina na P41.40 kada litro habang P32.65 ang presyo ng kerosene.

Samantala, mas mura naman sa sangay ng Clean Fuel sa nasabi ring lugar na P20.70 ang presyo ng kada litro ng diesel at P35.80 ang kada litro ng gasolina.

Ngayong umaga ay nagpatupad ng P1.20 na pagtaas sa presyo ng gasolina, P1.00 sa kada litro ng diesel at 1.25 sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanya ng langis./ Erwin Aguilon

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.