Metro Manila at mga kalapit na lalawigan magdamag na inulan

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2016 - 07:58 AM

Photo from PAGASA
Photo from PAGASA

Magdamag na nakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa partikular ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa 5AM advisory ng PAGASA, light hanggang moderate na pag-ulan at na may ocassional heavy rains ang mararanasan pa rin sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Batangas at Quezon.

Mula kagabi hanggang kaninang alas dos ng madaling araw, nagtaas pa ng Yellow Rainfall warning ang Pagasa sa lalawigan ng Zambales at Bataan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na naranasan doon.

Ayon kay PAGASA Forecaster Jun Galang, ang mga nararanasang pag-ulan ay senyales na malapit na ang opisyal na tag-ulan sa bansa.

Sa susunod na isa hanggang sa dalawang linggo aniya ay magdedeklara na ang PAGASA ng tag-ulan.

Unit-unti kasi ayon kay Galang na mararamdan na ang habagat./ Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.