Pagiging Energy Secretary tinanggap na ni Cusi

By Den Macaranas May 21, 2016 - 02:56 PM

Alfonso Cusi
Inquirer file photo

Tinanggap na ni dating Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Alfonso Cusi ang alok ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte bilang bagong Secretary ng Department of Energy (DOE).

Tiniyak ni Cusi na gagawin niya ang lahat para makatulong sa Duterte administration para matiyak na may stable at sapat na suplay ng kuryente ang buong bansa.

Tiniyak din nito ang murang kuryente sa bansa, at gawing self-sufficient ang Pilipinas pagdating sa enerhiya bilang bahagin ng agenda ng susunod na administrasyon.

Sa pamamagitan umano nito ay mapapataas ang ekonomiya at magkakaroon ng social progress at political stability sa susunod na anim na taon ng Duterte administration.

Sa kasalukuyan ay abala pa rin ang kampo ni Duterte sa pagbuo ng mga magiging miyembro ng kanyang gabinete kung saan karamihan sa mga nabigyan na ng posisyon ay mga dati na ring naging cabinet members ng mga nagdaang administrasyon.

TAGS: cusi, DOE, duterte, secretary, cusi, DOE, duterte, secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.