PNP mataas ang morale sa paghirang ng bagong PNP Chief

By Ruel Perez May 19, 2016 - 08:31 PM

Ronald Dela Rosa1
Inquirer file photo

Tiniyak ngayon ng Philippine National Police (PNP) na walang anumang demoralisasyon sa kanilang hanay kasunod ng pagkakatalaga kay C/Supt. Ronald dela Rosa bilang susunod na Chief PNP.

Sa pagkakapili kasi ni incoming President Rodrigo Duterte kay dela Rosa na produkto ng PMA Class ‘86, lumalabas na dalawang PMA Classes ang nalampasan nito ang Class ‘84 at ‘85.

Pagtiyak ni PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, walang class barrier sa kanilang hanay at hindi na dapat pang gawing isyu ang pagkakatalaga ni dela Rosa

Propesyunal aniya ang PNP at ang dapat umanong irespeto ang opisyal at ang tanggapan ng Chief PNP.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na buo ang kanilang suporta sa mga repormang ilalatag ng incoming Commander-in-Chief.

TAGS: dela rosa, Marquez, Mayor, PNP, dela rosa, Marquez, Mayor, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.