Pinoy patay sa aksidente sa UAE

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2016 - 11:39 AM

UAENasawi ang isang Pinoy matapos maaksidente sa United Arab Emirates (UAE).

Sa ulat na lumabas sa Gulf News ngayong araw, nagana pang aksidente kahapon, sangkot ang isang truck at van sa bahagi ng Al Zubair Bridge malapit sa Al Hamriyah area sa Sharjah.

Hindi naman idinetalye sa ulat kung saang sasakyan ba nakasakay ang nasawing Pinoy.

Hindi rin muna pinangalanan sa ulat ang biktima pero isa umano itong 48-anyos.

Inaresto na ng mga otoridad ang driver ng dalawang sasakyan na sangkot sa aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.