Pag-ulan kahapon nakadagdag ng tubig sa La Mesa Dam

By Ricky Brozas May 19, 2016 - 11:11 AM

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa mga pag-ulan sa nakalipas na magdamag.

Base sa updated data ng Hydrometeorological division ng PAGASA, tumaas ng 0.07 meter ang tubig sa La Mesa dam o mula sa 78.90 meters kahapon ay nasa 78.97 meters na ito ngayon.

Samantala, nasa stable na antas pa rin naman ang tubig sa iba pang mga dam sa Luzon na Pinakukunan ng suplay ng tubig para sa Metro Manila.

Sa Angat dam naman bahagyang nabawasan ang tubig mula sa 187.29 meters kahapon ay 187.01 meters na lamang ngayong araw na ito.

Ang IPO dam ay nasa 100.99 meters kahapon at 100.97 meters ngayon. Habang ang Ambuklao dam na mayroong 744.81 meters kahapon ay nasa 744.64 meters ngayon.

Ayon naman sa duty hydrologists na si Gine Nievares, wala pang naitatalang “significant change” sa lebel ng tubig sa mga dam dahil ang mga pag-ulan na nagaganap ay isolated lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.