Seguridad sa PICC hinigpitan para sa proklamasyon mamaya

By Erwin Aguilon May 19, 2016 - 10:55 AM

Mas pinaigting pa ang seguridad na ipinapatupad sa paligid at loob ng PICC dahil sa isasagawang proklamasyon ng mga nanalong senador at Party list group.

Maraming pulis at checkpoint ang ipinakalat sa paligid ng PICC na pagdarausan ng proklamasyon.

Kung dati rati ay sa Atang Dela Rama St. pinapapasok ang mga patungo ng forum 3 ngayon ay sa gate 1 na ang daanan na matatagpuan sa Sotto St.

Tinitingnan ding mabuti kung Comelec accredited ang mga sakay at kung may Comelec pass ang mga sasakyan.

Bawal na rin ang pumarada sa harap ng forum 3 sa loob ng PICC dahil nakareserba na ito sa mga VIP.

Nananatili namang sarado sa daloy ng trapiko ang Magdalena Jalandoni Street na nasa likuran lamang ng Forum 3 ng PICC.

Alas 3:00 ng hapon mamaya sisimulan ang proklamasyon ng mga nanalong senador na susundan ng proclamation ng mga nanalong Party list groups alas 6:00 ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.