“Biyaheng Bukid” ng incoming agriculture secretary, tatapusin bago mag-June 30

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2016 - 09:53 AM

FB Photo by John Pagaduan
FB Photo by John Pagaduan

Target ni incoming agriculture secretary Manny Pińol na matapos ang pag-iikot niya sa mga bukirin at taniman sa buong Pilipinas bago ang inagurasyon ni presumptive President Rodrigo Duterte.

Kahapon sinimulan ni Pińol ang pag-iikot sa mga lalawigan para personal na tignan ang sitwasyon ng mga magsasaka sakay ng isang pick-up.

Kasama ni Pińol sa kaniyang “Biyaheng Bukid” ang isang driver at aide.

Unang tinungo ni Pińol ang mga lalawigan ng North Cotabato, Maguindanao, Zamboanga Del Sur, Lanao del Sur, at ngayong araw ay magtutungo siya sa Lanao del Norte.

Sinabi ni Pińol na naniniwala siya na kinakailangan niyang personal na tukuyin ang problema ng mga magsasaka para masolusyunan ang mga ito.

Kabilang sa pangako ni Pińol sa mga magsasaka ang matiyak na maibibigay sa kanila ang kinakailangang teknolohiya para sa mas maayos na sebisyo sa pagsasaka.

Gayundin, ang pagtugon sa problemang pinansyal ng mga magsasaka.

Sinabi ni Pińol na imumungkahi din niya kay Duterte ang pagbuo ng National Food Security Coordinating body para matiyak na natatalakay ang isyu tungkol sa food security ng mga ahensyang dapat na tumutugon dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.