Rain or Shine kampeon sa 2016 PBA Commissioner’s Cup

By Jay Dones May 19, 2016 - 04:22 AM

 

Mula sa inquirer.net

Sa wakas, makalipas ang apat na taon, nakuha nang muli ng Rain or Shine Elasto Painters ang kampeonato sa 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Nagtapos ang laban kagabi ng Rain or Shine at Alaska Aces sa 109-92.

Ito na ang ikalawang championship ng koponan makaraang matalo ang Alaska Aces sa Game 6 ng Championship match.

Apat na taon na ang nakalilipas mula nang mahawakan ng Rain or Shine ang championship Cup.

Sa best of seven series, una nang nakakuha ng 3-0 lead ang Rain or Shine bago ito natigil nang manalo ng dalawang sunod ang Alaska Milk Aces

Gayunman, sa laro kagabi, muling gumanda ang laro ng koponan na naging susi ng kanilang panalo.

Samantala, itinanghal naman ang beteranong si Paul Lee bilang MVP sa kabila ng knee injury nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.