Villar pinakamayaman pa ring senador; si Escudero ang may pinakamaliit na yaman

By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2016 - 12:15 PM

Cynthia VillarNananatiling si Senator Cynthia Villar ang pinakamayaman na senador ng bansa matapos na madagdagan pa ng mahigit isang bilyong piso ang kaniyang yaman.

Batay sa 2015 statement of assets, liabilities and net worth, si Villar na asawa ni dating Senator Manny Villar, ang nag-iisang billionaire sa senado.

Mula sa P1.983 billion noong 2014, tumaas pa sa P3.5 billion ang net worth ni Villar noong Dec. 31, 2015.

Wala ring idineklarang liability o pagkaka-utang.

Samantala, si Senator Francis “Chiz” Escudero na ngayon ang maituturing na pinakamahirap na senador matapos na mabawasan ang kaniyang net worth.

Mula sa dating P6.049 million noong 2014 ay bumaba sa P5.847 million ang net worth ni Escudero para sa taong 2015.

Si Senator Antonio Trillanes IV, na poorest senator noong 2014 dahil sa pagkakaroon lamang ng P5.549 million net worth, ay bahagyang nadagdagan ang yaman ng P400,000 dahilan para umangat sa P5.984 million ang kaniyang net worth sa taong 2015.

Kasama naman si Senator Grace Poe sa top 10 richest senators batay sa kaniyang SALN.

Si Poe ay nagdeklara ng P89.118 million na net worth noong 2015.

TAGS: Villar remains richest senator, Villar remains richest senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.