ASG may bagong deadline para sa mga natitirang bihag

By Den Macaranas May 16, 2016 - 04:23 PM

abu-sayyaf-2
Inquirer file photo

Muling naglabas ng isang video message ang Abu Sayyaf Group (ASG) kung saan ay kanilang sinabi na hanggang June 13 na lamang ang ibinibigay nilang deadline para sa dalawa pa nilang hawak na mga bihag.

Ang nasabing video na lumabas sa website ng SITE Intelligence Group ay nagpapakita na nakasuot ng kulay Orange na T-Shirts ang mga bihag na sina Robert Hall na isang Canadian at ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad habang pinaliligiran ng mga ASG members.

Kapag hindi naibigay ang kanilang hinihinging P600 Million ($12.8 Million) na ransom, sinabi ng mga Abu members na kanilang pupugutan ang kanilang mga natitirang hostages.

Noong isang buwan ay pinugutan ng ASG ang isa pang Canadian national na si John Ridsdel.

Magugunitang sina Ridsdel, Hall at Sekingstad kasama ang isang Filipina ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isang Resort sa Samal Island sa Davao.

Bukod sa nasabing mga hostages, bihag din ng Abu Sayyaf ang may apat na Malaysian nationals, isang Dutch at isang Pinoy.

TAGS: Abu Sayyaf, canadian, dutch, norwegian, samal islands, Abu Sayyaf, canadian, dutch, norwegian, samal islands

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.