Pambansang Kamao Manny Pacquiao, kaya pang magkaroon ng isa pang boxing fight

By Isa Avendaño-Umali May 15, 2016 - 04:18 PM

manny-wavesKumbinsido ang boxing trainer na si Freddie Roach na pwede pang maka-isang boxing fight ang presumptive Senator na si Manny Pacquiao.

Sinabi ni Roach sa Boxing Scene na uubra pang bumalik sa ring si Pacquiao, batay na rin sa ipinamalas nito sa pinakahuling boxing match niya kay Timothy Bradley noong Abril.

Ayon pa kay Roach, nakita niya sa Pac-Bradley Trilogy na nanumbalik na ang ‘old Manny Pacquiao.’

Bagama’t okay lang na magretiro na si Pacquiao, humirit si Roach na sana’y magkaroon pa ng ‘one more fight’ ang dating eight-division world champion.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na magreretiro na siya sa pagiging boksingero upang matutukan ang kanyang mga planong political.

Batay sa partial-unoffical election count, si Pacquiao na nasa ika-pitong pwesto matapos makakuha ng mahigit labing limang milyong boto sa nakalipas na May 09 elections.

Maging ang Top Rank promoter na si Bob Arum ay tinanggap na ang desisyon ni Pacquiao, na outgoing Saranggani Congressman.

 

TAGS: manny pacquiao, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.