Child star noon, Congressman na ngayon

May 14, 2016 - 09:17 PM

toff de VeneciaIsa ng ganap na Kongresista ang dating child star na si Christopher “Toff” De Venecia, matapos siyang mahalal na mambabatas sa ika-apat na distrito ng Pangasinan sa botong 125, 000 sa katatapos na Eleksyon 2016.

Si Toff ang papalit sa kanyang Ina na si Gina De Venecia bilang Kongresista, makaraang magdesisyon na hindi na ito muling kumandidato pa maging ang kanyang ama na si  dating House Speaker Jose De Venecia.

Nakilala si Toff bilang child star ng masama siya sa mga pelikula at television sitcoms na Ober da Bakod nina Janno Gibbs at Anjo Yllana at sa Billy Bilyonaryo.

Pansamantalang tumigil sa showbiz ang nakababatang De Venecia para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Naging Editor din ng isang magazine si Toff at bumuo ng isang theater group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.