LGBT students pwede nang mamili ng gagamiting C.R sa U.S

By Den Macaranas May 14, 2016 - 11:44 AM

DURHAM, NC - MAY 11: A gender neutral sign is posted outside a bathrooms at Oval Park Grill on May 11, 2016 in Durham, North Carolina. Debate over transgender bathroom access spreads nationwide as the U.S. Department of Justice countersues North Carolina Governor Pat McCrory from enforcing the provisions of House Bill 2 (HB2) that dictate what bathrooms transgender individuals can use.   Sara D. Davis/Getty Images/AFP
AFP photo

Umabot na sa national stage ang debate sa U.S kaugnay sa pag-gamit ng comfort rooms o toilet ng mga kabilang sa Lesbian, Gay, Bisexuals and Transgender (LGBT) community.

Nag-ugat ang kontrobersiya makaraang mag-isyu ng kautusan si U.S President barrack Obama para sa lahat ng mga paaralan sa America na hayaan ang kanilang mga mag-aaral na mamili kung saang C.R sila papasok.

Wala namang parusang naghihintay sa mga hindi susunod sa nasabing kautusan.

Sinabi ng ilang human right advocates na isang uri ito ng tagumpay para sa hanay ng LGBT community.

Pumalag naman sa nasabing kautusan ang ilang mga lider ng bansa kabilang na si North Carolina Gov. Pat Mc.Crory na nanindigan na dapat sundin sa kung ano ang naka-sulat na gender sa birth certificate ng isang mag-aaral.

Hindi umano ito isyu ng pagsunod sa civil rights ng isang tao kundi bilang proteksyon na rin ng mga batang mag-aaral na pwedeng maging biktima ng mga kaso ng sexual abuse.

Isang restaurant naman sa Durham North Carolina ang naglagay ng “whichever” sign sa kanilang comfort room bilang pagpapakita ng suporta sa naging kautusan ni Obama.

TAGS: baracck obama, LGBT, north carolina, U.S, baracck obama, LGBT, north carolina, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.