Venezuela nasa state of emergency dahil sa U.S

By Den Macaranas May 14, 2016 - 11:41 AM

maduro_1
AP photo

Isina-ilalim na sa 60-day state of emergency ang buong Venezuela kaugnay sa umano’y tangkang pagpapa-bagsak sa administrasyon ni President Nicolas Maduro.

Nauna nang sinabi ni Maduro na nakipagsabwatan ang kanyang mga kalaban sa pulitika sa U.S pati na rin sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Sa kanilang pahayag noong isang linggo, sinabi ng U.S Intelligence na posibleng hindi matapos ni Maduro ang kanyang termino dahil sa lumalalang problema sa Venezuela.

Bukod sa kakulangan sa suplay ng gamot at pagkain, problema na rin ngayon sa Venezuela ang mataas na inflation rate.

May mga naiulat na rin na mga kaso ng looting o pagnanakaw dahil sa kawalan ng trabaho.

Sinabi ni Maduro na hindi mangyayari ang nasabing mga problema kundi sa direktang pakiki-alam ng U.S at OPEC.

Muli niyang ipina-alala sa kanyang mga kababayan na ganoon din daw an ginawa ng America nang pagtangkaan nilang itumba ang gobyerno ni Hugo Chavez noong 2002.

Ipinaliwanag rin ni Maduro na ang U.S din ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Brazilian President Dilma Rousseff.

Magka-alyado kasi ang Socialist Party ni Maduro at ang Worker’s Party ni Rouseff na parehong maka-kaliwang grupo.

Idinagdag pa ni Maduro na kapag siya’y napatalsik sa pwesto ay magiging kaalyado na ng U.S ang lahat ng bansa sa Latin America at sasamantalahin nila ito para maisulong ang kanilang mga interes.

TAGS: Brazil, maduro, U.S, venezuela, Brazil, maduro, U.S, venezuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.