Usaping pagpapakulong kay PNoy, hindi makabubuti sa ‘unity at healing’ ng bansa – Palasyo

By Alvin Barcelona May 13, 2016 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Ayaw patulan ng Malacañang ang sinasabing kahilingan ni National Democratic Front of the Philippines Joma Sison kay presumptive president Rodrigo Duterte.

Patungkol ito sa apela umano ni Sison kay Duterte na ipaaresto at kasuhan si Pangulong Aquino ng plunder dahil sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ayaw niyang magkomento sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari dahil ito’y mga plano pa lamang ng papasok na administrasyon.

Naniniwala din si Coloma na lahat ng ito ay hindi mangyayari mula ngayon hanggang sa June 30 o sa pagbaba sa puwesto ni Pangulo.

Dahil dito, payo ni Coloma ay maghintay na lamang ng mga susunod na mangyayari kasya sa makisama pa sa mga nagpapakalat ng espukulasyon.

Bukod dito, wala rin aniya itong maitutulong sa mga panawagan para sa pagkakaisa at paghilom ng mga sugat na nilikha ng kampanya at eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.