Pinuno ng MILF ceasefire committee pumanaw na

By Jay Dones May 13, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Pumanaw na ang pinuno ng MILF Committee on the Cessation of Hostilities (MILF-CCCH) na si Rasid Ladiasan.

Si Ladiasan ang isa sa mga humarap sa Senado noong iniimbestigahan pa ang madugong Mamasapano incident noong January 2015.

Kinumpirma ni MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) spokesperson Von Al-Haq na namatay si Ladiasan sa kanyang tahanan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong nakaraang Miyerkues.

Ang sakit nitong lung cancer ang sanhi ng pagkamatay ng tinatayang nasa mahigit 40-anyos pa lamang na ceasefire committee chief.

Si Ladiasan ay naging pinuno ng Secretariat ng CCCH committee bago naging chairman nito noong 2014.

Siya ang nakikipag-ugnayan sa pagitan ng puwersa ng BIAF at gobyerno upang matiyak na hindi malalabag ang ceasefire sa pagitan ng dalawang panig.

Nagpahayag naman ng kalungkutan si MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar sa maagang pagpanaw ni Ladiasan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.